MGA SIKAT NA PAGKAIN SA IBA’T-IBANG LUGAR
Hitik sa iba’t-ibang uri ng masasarap na
pagkain ang Pilipinas. Bawat lugar nito ay may kanya-kanyang pinagmamalaking
mga pagkain. Kagaya nalang ng Cebu, Zamboanga, Quezon, Province, Cavite at
Pampanga. Sa Cebu hindi lang sila sikat sa iba’t-ibang uri ng pagkain. Isa sa
pinakasikat na pagkaing inihanda sa Cebu ay ang kanilang pamusong Cebu
Letchon.
Cebu Letchon ng Cebu
Ang
sabi nila ibang-iba raw ang letchong Cebu sa ibang letchon na natikman natin
dahil mas lalong masarap at malinamnam ang letchon ng Cebu. Bukod sa malutong
nitong balat na marahang niluto sa katamtamang naga habang pinapahiran ng sabaw
ng buko. Meron itong pinakakatagong sikretong pampalasa na inilalagay sa tiyan
ng baboy habang nile-letchon.
Pancit habhab ng Quezon City
Ang
pancit habhab ay ginisang miki na hinaluan ng karne at atay ng baboy, hipon at
gulay. Ito ay isa sa mga local na pagkain sa probinsiya ng Quezon. Kaya ito
tinatawag na pancit habhab dahil habang kinakain mo ito hindi ka gagamit ng
kubyertos hinahabhab ito.
Chicharon ng Davao
Kung
tayo ay pupunta ng Davao wag na tayong pahuhuli pa, dapat ang una nating
titikman ay ang kanilang pamusong shicharon. Ito ay may iba’t-ibang uri kagaya
ng fish cracker, chicharong bulaklak at chicharong baboy.
Sisig ng Pampanga
Isa sa
sikat na pagkain sa Pampanga ay ang tinatawag nilang sisig. Ito ay maaring
maging pangunahing putahe o appetizer. Ito ay inenbento ng isang kampangan na
si Lucia Luhanan na binansagang “The Sisig Queen”. Ang sisig ay gawa sa mga
hiniwang karne ng baboy at atay ng manok.
Pamusong Halang-halang ng Zamboanga
Ang
lugar ng Zamboanga del Norte ay ang kanilang pamusong halang-halang (Spicy dish
of minced chicken neck). Na kung saan sili ang pangunahing kasangkapan, meron
rin itong maliit na hiniwang beef. Ito ay served as a soup. Pwede mo rin itong
dagdagan ng maliit na hiniwang sili at spring onion para mas lalong sumarap.
Oh! Ano pa ang hinhintay niyo, tara na at
mag diskubre ng iba’t-ibang masasarap na putahe dito sa Pilipinas.